CHAPTER 41 Lenus Andrew's P. O. V Ibang-iba na si Ciarly ngayon. Kitang-kita ko na mas nag-mature siya at mas naging malakas. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na sobrang na miss ko siya. Ang sarap sa pakiramdam nang makita siya sa personal, yung hindi lamang litrato niya sa social media. Sobrang ganda niya, ang daming nag-improve sa kaniya. Lumapit ako sa table nila no'n pero nagulat ako nang biglang umalis si Ciarly. Nalungkot ako dahil pakiramdam ko iniiwasan niya ako. Gusto ko lang naman makita at makausap siya. Wala akong balak maki alam sa relasyon nila ni Jesrel... Not until... Sinabi ni Anmaelyn na cellphone ni Ciarly ang nasa lamesa na naiwan niya. Agad ko iyong kinuha at sinundan si Ciarly. Naka-kotse ako kaya mas mabilis kong nasundan ang sinakyan niyang taxi. Noong una ay