CHAPTER 40 Ciarly's P. O. V Pumunta ako sa dorm ni Jesrel para makipag-ayos sa kaniya. Alam kong nakasakit ako, hindi ko naman kaya na hayaan lang iyon dahil na ko-konsensya ako. "Jesrel," tawag ko sa kaniya. Nakita ko si Jes na naghuhugas ng plato sa lababo kaya lumapit ako sa kaniya. "Nandito ka na pala," malamig niyang sabi. Dahan-dahan ko siyang niyakap mula sa kaniyang likod. Napatigil siya sa paghuhugas. Pinatong ko ang ulo ko sa likod niya. Palagi na lang ganito, halos araw-araw kaming nagtatalo, kahit mataas ang pride niya ay ginagawa kong magpakumbaba para lang hindi masayang ang limang taong pinagsamahan namin. "Hindi ko sinasadya na mapagsalitaan ka ng gano'n kanina," sambit ko. "Ayos lang. Tama ka naman e, ako yung problema," aniya. "Sorry, we can make it better nama