CHAPTER 39 Ciarly's P. O. V 5 years later... Napapapadyak ang paa ko sa sobrang kaba at inis. Nakakakaba dahil aakyat ako sa stage. Nakakainis dahil wala pa rin si Jesrel. "Ano? Pupunta ba si Jes o hindi?" mataray na sabi ni Shane. "Pupunta siya..." bulong ko. "Ayan ka na naman. Maniniwala ka na naman sa ka niya tapos sa huli, madi-disappoint ka lang," ani April. "Huwag nga kayong nega! Pupunta 'yon, tumutupad 'yon sa pangako..." malungkot kong sabi. "Kelan? Last 2 years?" mapang-asar na sabi ni Shane. "Let her, mahal niya e," ani Rachelyn. Napabuntong hininga na lamang ako. Alam kong tama sila, lahat ng sinasabi nila pero hindi ko gusto sirain yung relasyon na binuo namin ni Jesrel sa loob ng limang tao. Para na kaming mag-asawa. Tumitira ako sa Dorm niya pa minsan-minsan kapag