CHAPTER 38 Ciarly's P. O. V Bumangon ako at dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape. Late na ako nakatulog dahil nag-proofread ako ng research namin. "Ate, may bond paper ka pa?" tanong ni Rence sa akin. "Ba't?" tanong ko habang hinahalo ang kape ko. "Kailangan sa school." "Kuha ka sa study table ko," sambit ko. 10 am ang klase namin. Gagayak na rin ako pagkatapos nito. Bigla ko namang na alala si Jesrel kaya kinuha ko ang cellphone ko para i-chat siya. 'Tulog ka pa?' 'Sleep well' Kinuha ko na ang twalya ko at naligo. Pagkatapos, dumating si Mama galing sa palengke. Namili siya ng stock sa bahay. Tinulungan ko naman si Mama mag-ayos. Nag-vibrate ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha. From: Jesrel 'Magandang umaga sa babaeng mahal ko!' 'Kakagising ko lang' 'Ligo na p