CHAPTER 32 Ciarly's P. O. V Paggising ko ay bumungad sa akin ang chat ni Jesrel. "Magandang umaga! Bangon na!" Pinusuan ko na lang ang chat niya para hindi ako mag mukhang snobber. Dumiretso na ako kaagad sa banyo para maligo. Nagpaganda ako para kay sir Lenus, syempre kailangan magmukha akong magandang sa paningin niya. Habang naglalakad ako sa corridor ng school ay nakita ko si sir Lenus na paakyat na ng hagdanan. Tatakbo na sana ako pero biglang humarang sa harapan ko si Jesrel. "Ciarly! Gumawa si Mama ng pan cakes kaya--" "Wait-- Jes." Napatingin ako sa third floor. Naroon na si sir Lenus at naglalakad papunta sa room niya. "Bakit?" tanong ni Jesrel. "Kuya Jes--" "Sabi ko sa 'yo ‘wag mo na ako tawaging kuya," aniya. Napa-pout naman ako, muli na namang nasayang ang pagkakata

