CHAPTER 31 Ciarly's P. O. V Naglalakad ako sa corridor nang nakangiti. Excited akong makita si sir Lenus. Gumawa ulit ako ng cookies matapos akong makatanggap ng mensahe mula kay sir Lenus na masarap daw yung binake ko. Sabi ko pa nga na hindi naman perfect pero ang sagot sa akin ni sir Lenus. 'Kaya mo 'yan, Practice makes better, atleast may progress 'di ba? Go lang, ikaw pa, si Ciarly ka' "Bakit niya kaya laging sinasabi na ako si Ciarly? Eh... Ako naman talaga si Ciarly." Napatigil ako sa paglalakad at pag-iisip nang mapadaan ako sa Grade 10-B. Tandang-tanda ko ang boses na iyon. "May-alay na naman siya." "Syempre, para sa grades." "I wonder kung binigay na din niya si Bataan for grades, nakakahiya." Nilingon ko si Hazel, Kasama niya si Carla at Shiela. "Excuse me," maarte kon