CHAPTER 30 Ciarly's P. O. V Dala-dala ko ang tinapay at chuckie na binili ko saka ako dumiretso sa room ni sir Lenus. Nakita kong nakatayo si sir sa harapan ng Black board at may sinusulat siya. Kumatok naman ako sa pinto para maagaw ang atensyon niya. "Good Morning, Sir Len!" masigla kong bati. "Good Morning din," aniya at ngumiti sa akin. Nilapitan ko siya at nilagay sa table niya ang pagkain na bigay ko. Nakita kong mayroon na lamang band aid ang mukha niya. "Sorry talaga sir. Nagalusan tuloy yung gwapo niyong mukha," sambit ko. "Gwapo pa rin naman, hindi ba?" aniya at mahinang tumawa. Napangiti ako. "Hindi niyo na ako iniiwasan sir? I mean, komportable na ba kayo sa akin?" tanong ko. "Oo naman. Hindi naman kita iniiwasan at saka student kita," aniya. Student na naman!? Baki