CHAPTER 29 Ciarly's P. O. V Pauwi na ako. Galing kami sa bahay nila Anmaelyn. Gumawa kami ng project sa science, kailangan na kasi bukas yung malaking styro balls tapos may constellations na naka-pin. Kasalukuyan akong nakasakay sa jeep at napipikit na. Minulat ko ng todo ang singkit kong mga mata, kinuha ko na lamang ang cellphone ko mula sa sling bag. "9:45 pm, patay," bulong ko. Ang tagal kasi mapuno ng jeep kanina kaya natagalan ako lalo. Patay ako nito kay Mama. "Chat ko na nga..." bulong ko at binuksan ang data ko. Chinat ko si Rence na pauwi na ako. Malamang kasi hindi mababasa ni Mama kapag siya ang chinat ko. Minsan lang magbukas ng messenger yon. Puro sila nood ni Papa sa tv. To: Lawrence 'Puta ngayon palang ako pauwi. Pababa na ako ng jeep sa kanto naten' Pagkasend ko