CHAPTER 26 Ciarly's P. O. V Sobrang saya ko nang malaman kong hindi pala pumunta si sir Lenus sa date nila ni Ma'am Janine. Gusto ko siyang puntahan sa bahay nila kaso ang problema ko naman ay yung kapatid niya. Pakiramdam ko kakainin ako ng mga tingin ng malditang 'yon. Wala rin akong alibay--si Muning! "Yes!" bulong ko at kumuha ng plato. Binuksan ko ang rice cooker at nagsandok ng kanin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil may alibay na ako. Siguro bibili na lang ako ng cat food para may malakas ang alibay ko-- "MAMA! SI ATE OH! NAKANGITI HABANG NAGSASANDOK!" sigaw ni Rence. Nanlaki ang mga mata ko. Gusto ko ibato sa kaniya ang hawak kong sandok. "Dimunyu ka!" bulyaw ko. "Naku! Naaalala mo na naman ba ang sweet heart mo?" pang-aasar sa akin ni Mama. Napa-pout naman ako at