CHAPTE 27 Ciarly's P. O. V Masaya akong naglalagay ng last thing pampaganda. The lipstick! Ginamit ko ang light red na lipstick para hindi sobrang exaggerated tignan. Hindi ako madalas mag liptint dahil natutuyo yung labi ko at nagbabalat. Masakit. Suot ko ang Yellow dress na binili saken ni Mama sa Shopee. Ang sexy ko dito dahil hapit sa bewang, kitang-kita ang kurba ng katawan ko. "Hoy, Bruha!" tawag sa akin ni Rachelyn. Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko. Kumpleto na kasi ang mga tropa ko at nasa sala na sila nagkakagulo. "Nandito na yung bebe mo!" sabi ni Rachelyn kaya lalo akong ginanahan. Ang saya naman ng birthday na 'to! "Hello, sir!" bati ng mga kaklase ko kay sir Lenus. Inimbitahan ko din kasi yung mga kaklase kong mababait sa 'kin. Yung mga tarantado. Hindi ko inaya.