Chapter 53 “ATE pwede ko bang ilabas mamaya ang kambal? Kahapon kasi nagmamaktol sila dahil hindi ko sila pinayagan. Sabi ko ipapaalam ko muna sila sa Mommy nila..” Nilingon ko si Susan habang iniaahon ang niluto kong hotdog at ham. Naghahain naman siya ng mga plato. “Ayoko sana, kasi baka delikado wala pa kami dito. Pero pwede naman kung diyan lang sa gate. Kasi nag-iisa ka lang at baka magtakbuhan sa labas ng mga bata. Ikaw din ang mahihirapan..” Mahinahon kong sabi. Matagal ko na namang kilala si Susan. Mapagkakatiwalaan ko siya sa pagbabantay sa kambal. Hindi nga lang siya stay-in dahil malapit lang ang bahay nila dito. “Sige po ate. Lilibangin ko na lang po sila..” Nginitian ko siya at inilapag na sa mesa ang mga almusal namin. Bago umalis ay pinahiran ko muna ng lotion sina Dy