Chapter 54 “SORRY ma'am, pero wala po kami ngayong available na type AB Negative. Very rare po kasi ang ganyang blood type at mahirap pong makakuha.” Bagsak ang balikat ko matapos kong kausapin ang staff ng blood bank ng hospital. Labis akong nanlumo. Kung sana ako na lang para walang problema at gumling na ang anak ko, pero hindi e. Naglakad ako pabalik sa ICU. Tumayo mula sa pagkakaupo sa labas si Jam. Katabi niya pa rin si Dale. “Aaliyah meron na ba?” Nanghihinang tiningnan ko si Jam. Umiling ako. Lumapit ako sa pinto at sinilip ang natutulog kong anak. Ang liit liit pa niya pero ang dami ng nakatusok sa kanya. A tear escaped from my eyes. I puckered my lips. “Aaliyah..” Mahinang tawag sa'kin ni Jam. “Magtatanong-tanong ako sa mga kaibigan ko kung merong ganong blood type Aaliya