Chapter 55 HINDI siya nagsalita at pinakatitigan ako. Kung tatanggi siya ay handa akong lumuhod sa harapan niya mailigtas lang anak ko. Nagpalitan kami ng tingin ng walang namumutawing salita mula sa'min. Pero hindi ko kaya ang magtagal ng ganito. Dahil kung susumbatan pa niya ko bago tulungan ay gagawa na ko agad ng paraan. Ibinuka ko ang labi ko pero tinalikuran niya ko at may kinuha sa drawer niya. Hindi siya nagsasalita. Pero nagmamadali ang kanyang bawat kilos. Humakbang ako isang beses para sundan at kausapin pa siya nangg lapitan niya ko. Walang sabi-sabi'y hinawakan niya ang kamay ko at hinatak palabas. Mabibilis ang lakad niya at halos tumatakbo na ko sa haltak niya sa'kin. He held my hand tightly. “Pia, cancel all my appointments and meetings. Walang tatawag sa'kin. I'll call