Chapter 57 I WAS stunned and halted when I looked at his dreamy eyes. Tama ba iyong dinig ko? Misis ko.. And he kissed me again! Sa panaginip ko na lang ata 'yon maririnig ulit pero heto siya at muli akong tinawag n'on. Kahit gusto kong damhin ang titig niya ay sinubukan kong itulak siya. Kasabay n'on ang isang pagtikhim mula kay Tyler. Hinarap ko siya at nginitian pero alam kong sa init na nararamdaman ko sa mga pisngi ko ay tiyak kong namumula ito. s**t. “K-Kanina pa ba k-kayo?” Ni hindi ko maiayos ang boses ko. Pero nagulat na naman ako ng ipulupot ni Johann ang braso niya sa aking baywang. Agad ko siyang nilingon at mariing tiningnan. “Johann..” Bulong ko. Naestatwa ako ng marahan niyang haplusin ang tagiliran ko at may nakakalokong ngisi. Bumibilis ang t***k ng puso ko sa ginagawa