Chapter 58 HABANG inaayos ko ang mga bote ng kambal sa kusina ay naramdaman ko ang pagdaan sa likuran ko ni Jam. Kumuha siya ng baso at dumeretso sa fridge. “Grabe ang lakas ng ulan. Ang lamig lamig tuloy! Huu!” Niyakap pa niya kunwari ang sarili niya. Kumunot ang noo ko. She looked weird. “Okay ka lang?” Sabi ko. Binaba niya ang baso pagkatapos uminom. “Okay lang. Ikaw ba?” Nagtaas-taas pa ang mga kilay niya. Ngumuso ako. “Ayos lang. Bakit mo natanong?” Tumabi sa'kin si Jam at binigyan ng kakaibang tingin. “So, okay lang sa'yo makasama sa iisang kwarto yung hot na tatay ng kambal? Weh? 'di nga?” I rolled my eyes. “Jam, una sa lahat, ngayon lang niya nakasama ng matagal-tagal ang kambal. At isa pa, may bagyo. Baka kargo de konsensya ko pa kapag pinauwi ko siya sa manila. E, kung ti