Chapter 40 NANATILI ako sa sala matapos mag almusal. Halos hindi ko na malunok ang kinain ko dahil sa panlalamig ng tiyan ko. Iyon bang sobrang excitement ang naramdaman ko. Though, hindi naman iyon ang first kiss namin. Wala nga lang 'yon sa mga nauna niyang halik sa'kin pero napakalaki ng inukit sa puso ko ng simpleng halik na 'yon. Dahil sa wala akong magawa at nalagyan ko na rin ng gamot ang paso ko ay nagpunta na lang ako sa Entertainment Room. Kapag tumulong naman ako sa gawaing bahay ay malalaman niya agad. Ngayon ko lang kasi napansin ang mga nakainstall na CCTV sa palagid ng mansyon. Kaya updated siya sa mga nangyayari dito. Kung sakaling may magsinungaling sa kanya ay agad niyang malalaman ang totoo. Tulad ng insidente sa amin ni Fatima. He'd usually check if needed. Binuks