Chapter 41 “J-JOHANN..n-nasasaktan ako!” I winced in pain because of his tight gripped on my arm. He dragged me out of the room and went to his room. Pilit kong hinahatak ang braso ko pero sadyang napakalakas n'ya. Ang lakas na rin ng kabog sa aking dibdib. He's mad. Fuming mad. Laking gulat ko ng pabalang niya akong binitawan kaya napaupo ako sa malaki niyang kama. Tiningnan ko agad ang braso kong mahigpit niyang hinawakan. Ngunit napaigtad ako ng malakas niyang sinara ang kanyang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Wala akong alam at wala akong ideya kung bakit siya nagagalit ng ganito. Humarap siya sa'kin. Halos huminto ang ikot ng mundo ko nang makita ko kung gaano siya kagalit. Ang dilim ng kanyang mukha. And I almost see blood shot eyes. Mabilis din ang kanyang paghinga na p