WANTED na sa mga pulis si Eliza dahil nakita ang mukha niya sa CCTV ng office firm ni Pauline. Hindi ibig sabihin na mga sindikato ang mga pinatay niya ay abswelto na siya. Krimen pa rin ang ginawa niya at kailangan niyang panagutan sa batas. Batid niya na si Corbin ang higit na mas nahihirapan sa sitwasyon. Alagad ito ng batas pero nagmamahal ng isang kriminal. Alam niya na hindi nito kagustuhan na itago siya pero hindi rin siya nito kayang isuko. Mas nanaig ang pag-ibig nito para sa kanya. Oras na matapos na ang lahat ng ito at mapabagsak na niya ang Mafia ay susuko siya sa mga pulis. Tatanggapin niya ang parusang ibibigay sa kanya at nang matapos na ang pasanin ni Corbin. Kung mabibigyan pa siya bagong pagkakataon ay itutuwid na niya ang buhay niya. Napangiti si Eliza nang makitang