NANG binuksan ni Corbin ang pinto ng kotse ay maliksi siyang sumakay na agad din nitong pinaharurot. Hindi pa man sila nakakalayo ay nasundan na kaagad sila ng mga tauhan ng Mafia. Tatlong kotse ang nakasunod sa kanila. Pinaulanan sila ng bala. Nabasag ang likurang bahagi ng salamin. “Yumuko ka, Eliza!” Sumunod siya sa sinabi ni Corbin. Tinanggal niya ang gun clip at binuhos ang lahat ng bala sa kanyang kandungan at isa-isang inilagay sa magazine. Nang mapuno ay kinasa niya ang baril. Lumipat siya sa likurang bahagi at nakipagbarilan sa mga humahabol sa kanila. “What are you doing?!” nangangalaiting sigaw ni Corbin. “Yumuko ka lang!” “Mag-drive ka lang, Corbin!” Halos lumilipad na ang kotse sa klase ng pagmamaneho nito ngunit hindi sila makalayo sa mga kalaban dahil mabilis din ang mg