“SAAN tayo pupunta?” maang na tanong ni Eliza na pupungas-pungas pa. Paano ba naman kasi hating gabi na at bigla na lang siya ginising ni Corbin sa gitna ng kasarapan ng tulog niya. Nagising siya sa magagaan nitong halik ngunit hindi naman niya magawang mainis dahil napakagwapong mukha nito ang namulatan niya. Masarap sa pakiramdam gumigisng na katabi ang lalaking pinakamamahal niya at buong gabi na nakakulong sa mga bisig nito. Sa loob ng tatlong araw na pananatili nila sa isla na pagmamay-ari ni Colt Ventura ay kinalimutan nila ang mundo. Isinantabi muna nila ang naghihintay na mga problema. Gusto nilang sulitin ang pagkakataon na magkasama sila. Hindi na rin muna niya inisip ang kanyang kapatid dahil gusto niya na mabigyan ng lubos na kalagiyahan si Corbin. Maganda ang isla. Birhen.