“MARAMING salamat po,” wika ni Eliza sa mangingisda na tumulong sa kanila. Nang papasukin sila kanina sa bahay nito ay nakita na mistulang sardinas na nagsisiksikan ang mga anak nito sa nilatag na banig sa sala. Okupado rin daw ang dalawang kwarto dahil ang anak daw nitong pamilyado na ay doon din nakatira. Dinala sila ng mangingsda sa isang kubo na nalalayo sa umpukan na mga bahay. Nagsisilbi daw iyon pahingahan ng mga ito sa tuwing aakyat ng bundok. Napalayo na pala ang Yate. Umabot na sa dagat ng Mindoro. Hindi sila kayang maihatid ng mag-biyenan na mangingisda sa Maynila pero inalok sila na sumama para magpalipas muna ng gabi sa bahay ng mga ito. Hindi sila nagdalawang isip ni Corbin na tanggapin iyon dahil hindi sila sigurado kung may dadaanan pa ba na rescue. Maari kasi na sa ibang