“D*MN!” pabulong na mura ni Corbin sa kanyang sarili. Na-distract na siya ni Eliza. Hindi niya nagawa ang pakay kung bakit nandoon siya yate na iyon. Kasama sa iniimbestigahan niya ay ang business tycoon na si Andrew Keller – may dugong amerikano ngunit lumaki sa Pilipinas dahil sa pinay na ina. Isa ito sa pinaghihinalaan na druglord ngunit hindi mahuli-huli dahil walang makalap na ebidensya. Ayon sa nakalap niyang impormasiyon y may magaganap daw doon na isang malaking drug transaction. Delikado ang ginagawa niya. Para na rin siyang pumasok sa teritoryo ng mga leon ngunit gusto niya na mawakasan na ang isa sa pangunahing problema ng bansa. Ayaw niya na marami pang buhay ang masisira. Si Andrew Keller din ang pinaghihinalaan niyang pumatay kay Ronald Roxas. Magkatunggali ang dalawa hind