NAKAHAWAK si Eliza sa railings ng isang malaking yate na kasalukuyan naglalayag sa dagat na lumampas sa boundary ng Manila Bay. Suot niya niya ang bodycon dress na kulay itim at hanggang tuhod niya ang haba. It’s plain and simple but what makes the dress look glamouros is the perfect fit defining every curve of her body. Hindi siya nagsusuot ng backless dahil ayaw niyang nakikita ang kanyang tattoo. Isa pa, tinatago niya ang tunay na katauhan. Nahahati sa dalawang grupo ang naroon sa yate na iyon. Sa top deck ay mga wild, mahilig sa disco at nagpapakalunod sa alak. Mga nakasuot ng bikini at swimming trunks kahit pa nga malamig ang hampas ng hangin. Kalmado naman ang mga tao sa base area ng yatch kung saan siya naroon. Kaniya-kaniyang lang nang kwentuhan habang umiinom ng wine. Lahat na