MAAGA pa lang umalis na ako ng bahay para magpunta ng AB Corporation. Sana lang maayos kausap ang may-ari, dahil gustong-gusto ko talaga ang property. At kung tutuusin ako naman talaga ang nauna du'n. Kung hindi lang nila sinilaw ng pera ang may-ari ng property. "Saan po ang office dito ng CEO?" tanong ko sa guard na nasa entrance ng building. "Fifteenth floor po, Ma'am," tugon niya. Hiningan niya ako ng Id, pagkatapos ay binigyan niya ako ng pass. "Mag-log in ka po muna dito," turo niya sa logbook. Pagkatapos nu'n ay sumakay na ako ng elevator papuntang fifteenth floor. Kinakabahan ako habang pataas nang pataas ang sinasakyan kong elevator. Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Hindi naman ako ganito kapag humaharap ako sa ibang mga tao. Lalo na sa mga supplier o ibang mga negosya

