"Oh, Iya at Amanda..." Tila gulat na gulat ang ibang mga tindera dito sa divisoria nang makita nila kaming magkapatid. Tipid kaming ngumiti at pinagpatuloy ang paglalatag ng aming mga paninda. Hindi pa sila nakuntento dahil lumapit pa talaga ang iba sa kanila. "Ang tagal niyong nawala, a. Akala namin hindi na kayo babalik." "Bakit naman po kami hindi babalik. Dito po kami lumaki," sagot naman ni Amanda. "May bali-balita kasi na nag-asawa na daw itong si Iya ng mayaman," sabi ng isang intrimitidang matanda. Kaibigan ito ng aming tiyahin. Hindi na ako magtataka kung kay Tiya niya nasagap ang tsismis niyang iyan. Si Tiyang pa, e, number one chismosa kaya iyon sa aming lugar. Pekeng tumawa si Amanda. "Ay, talaga! Mabuti pa at alam niyo. Samantalang wala man lang kaming kaalam-alam."

