Sophia’s POV “You’re nervous?” Sumulyap ako kay Sav nang bigla niyang sabihin iyon. Alanganing tumango ako. Naglalakad kami ngayon papasok sa mansion at todo sunod naman saamin ang iilang maid at mga tauhan, sabay kaming naglalakad at hawak-hawak ni Sav ang kamay ko. Nakita kong parang hindi alam ni Sav kung ngingiti ba ito o ano nang hindi makapaniwalang nakatingin ito saakin. Kaagad ko itong sinamaan ng tingin. “You were never this nervous towards me.” Parang natatawang sambit nito at mas lalong sumama ang tingin ko rito. He’s obviously making fun of me. “I wanted you to tell me about your grandpa, but you said nothing. Sinong hindi kakabahan?” Halos pasinghal na bulong ko sakaniya. Ang haba naman ng pasilyong pasikot-sikot rito sa loob ng mansion na para saain ay halos palasyo na

