Sophia’s POV “Hindi ko inasahan na ganoon pala ang Lolo mo.” Nakangiting sabi ko habang naglalakad kami ngayon ni Sav patungo sa kwartong tutuluyan namin. Tatawagin nalang raw kami mamaya kapag kakain na. Lukot pa rin ang mukha nito habang hawak ang kamay ko at hindi ito nagsasalita. Napatitig ako sa mukha ni Sav nang maalala ko ang huling itinanong ng Lolo nito saamin. “Now, let’s get to the main point. When will you give me a grandson? I want a grandson as soon as possible.” Natigilan ako at napasulyap kay Sav dahil hindi ko inasahan ang biglang itinanong ng Lolo niya. Saka ko naalala na ang dahilan kung bakit gustong magkaanak ni Sav ay dahil sa Lolo niya. Pero ngayon, mukhang iba na ang sitwasyon. Sav and I only thought of having a child because of the deal. But now, we’re alrea

