SATURDAY has come. Heto na ang araw ng business party na dadaluhan namin. Actually, ayokong pumunta pero wala naman akong choice, right? Sabi nga ni dad hindi pʼwedeng ni-isa sa amin ay hindi pumunta. Nakakainis! Bakit si Rose ay pʼwedeng hindi pumunta, right? Nagkasalubong din ang aking magkabilang kilay nang marinig kong may kumatok sa pinto ng room ko. For sure si Angie na naman ang kumakatok. Binaba ko ang aking eyeliner at tumayo sa aking vanity mirror. Lumakad ako papunta ako sa door ko para bukas iyon. Tama nga ang hula ko, si Angie. “Sorry po sa istorbo, Miss Anais. Pinapatanong po kasi ng dad niyo kung nag-aayos na po kayo. Mamaya lamang din daw po ay aalis na kayo,” mahinang sabi niya sa akin. “Malapit na akong matapos mag-makeup, Angie, pakisabi kay dad, okay? And, donʼt

