NAKAUPO ako rito sa theater room ng house namin habang nagpi-play ngayon sa harapan ko ang isang romance movie. Hindi ko naman masyadong naintindihan ang story dahilan ang isipan ko ngayon ay kung paano magkaroon ng boyfriend! Tumatanda na ako at until now sa edad kong ito ay wala pa akong naging boyfriend. Iʼm already 24 years old at ni-isa ay wala pa akong nagiging boyfriend talaga. Napahawak na lamang ako sa aking pisngi at napasandal sa upuan. “Anong need kong gawin? Para magkaroon ako ng boyfriend? Mabuti pa si Amaryllis, may boyfriend na dahil sa dating app na iyon. Ginamit ko naman iyon until now but wala! Wala akong mahanap na matinong lalaki. Puro mga playboy ang mga nahanap ko! Kaya tinigil ko na ang paggamit sa app na iyon! Baka hindi para sa akin ang dating app!” saad ko sa

