NATAPOS ang pag-uusap namin tungkol sa relasyon namin ni tito Adam. Tanggap na tanggap nina Mama at Papa ang mayroʼn kaming dalawa. “Mr. Dimaculangan, hatid na po namin kayo pauwi,” saad ni tito Adam sa kanila. “Naku, huwag na, Mr. Del Rosario, I mean, Adam! Dala namin ang kotse papunta rito! Ikaw na bahala kay sa panganay namin, ha? Gusto niyan magkaroon ng engrandeng kasal,” saad ni Papa Kaya napailing ako sa kanya. Nakita kong sinenyasan ako ni Mama na lumapit sa kanya. “Dina, hindi na pʼwedeng tatamad-tamad ka, ha? Maging kilos mo ay alagaan mo! Alam kong may nangyayari na sa inyong dalawa. Kaya baka may baby ka na sa tiyan mo. Huwag maging maligalig. Kawawa naman magiging apo namin,” babalang sabi ni Mama kaya napangiwi ako sa kanya. Akala ko naman ay concern siya sa akin. “And,

