NANDITO kaming lahat sa hotel na ni-rent nila ate Amaryllis para mag-celebrate ng kanyang wedding next week. Ikakasal na siya kay Mr. Tryke Natividad ang owner ng Nativity Beverages. Nakasipat lamang ako sa mga bisita ngayon halo-halo kasi kami, nandito rin ang family, friends and relatives ni kuya Tryke. “Hyacinth, anong sinisipat mo dʼyan, ha? Naghahanap ka ng pogi, ano?” Napatingin ako kay Heather, ang kakambal ko. “Alam mo naman pala. Huwag kang maingay. Sa ating magpipinsan, ako na lamang ang never nagkaroon ng boyfriend. Maganda naman ako, sexy, matalino like ate Amaryllis, malaki ang hinaharap ko at virgin, pero walang nagkakagusto sa akin, Heather!” sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa paligid. “Hintayin mo lang darating din ang para sa iyo, katulad namin ni Kleo, pa-on

