HINDI ko mapigilang ngumiti habang nakaharap ngayon sa mirror. Katatapos ko lamang ayusan para sa wedding nina ate Amaryllis and kuya Tristan. Ngayon ang araw ng kanilang wedding. “Hoy, cousin, Hyacinth, bakit ang laki ng ngisi mo, ha? Ikaw ba ang ikakasal?” I rolled my eyes to ate Rose. Ayan na naman siya. “Wala lang. Excited lang ako sa partner ko mamaya papunta sa altar!” sabi ko sa kanya. “Aba! Sino ang ka-partner mo, ha? Gwapo ba iyan katulad ni Cameron ko?” Napangiwi ako sa sinabi niyang iyon. “Mas pogi pa sa Cameron mo, ate Rose. By the way, iyong kapatid ni kuya Tryke ang ka-partner ko,” nakangiting sabi ko sa kanya. Nangunot ang noo niya sa sinabi ko. “Tristan? Sure ka, Hyacinth? Playboy ang isang iyon, pinapaalala ko lang sa iyo,” sabi niya sa akin. “Ang akala ko ang partn

