“YOU may now kiss a bride!” Tumayo kaming lahat at pumalakpak kasabay ang paghalik nina ate Amaryllis and kuya Tryke. Kasal na rin si ate Amaryllis. May kinasal na rin sa pamilya namin. Palihim akong napalingon sa kabilang side, nakita ko roon si Tristan na pumalakpak din habang nakatingin sa harapan. Next time tayo naman ang nandʼyan, daddy Tristan. “Hyacinth, hindi ka pa ba pupunta sa harap ng altar? Ihahagis na ni ate Amaryllis ang bulaklak. Akala ko ba makiki—” Hindi ko na pinatapos sa kanyang sasabihin si Heather at mabilis akong pumunta sa harap para saluhin ang bulaklak. Nakalimutan ko ang tungkol dito, masyado kasi akong naka-focus kay daddy Tristan ko. Ang gwapo naman kasi talaga niya. “Ate Amaryllis, handa na akong saluhin ang bulaklak mo!” malakas kong sabi habang naka-sp

