CHAPTER 13

2313 Words
“MAYOR ROZEN Aldeguer.  Mas lalo yata tayong gumuguwapo habang tumatagal, ah.” “Its all in the food, Mr. Yasay.” “Or maybe because of this beautiful woman you’re with.  Hello, hija.” “Hello po.”  Inabot niya ang nakalahad nitong kamay.  “Happy birthday po sa anak ninyo.” Malakas na tumawa ang matanda.  “And you’re funny too.  Napakasuwerte talaga nitong si Rozen.  Siguradong kaiinggitan ka ng ibang male guests namin ngayon.  Siyanga pala, puwede ba tayong mag-usap sandali?  May gusto lang akong i-consult sa iyo about a certain business project of mine para sa Sta. Barbara.” “Okay.”  Binalingan siya nito.  “Can you wait here?  May pag-uusapan lang kami ni Mr. Yasay.” “Oo.  Maghahanap na lang siguro ako ng makakain.” “Ikuha mo na rin ako.”  Hinawakan siya nito sa braso saka inilapit ang bibig sa kanyang tenga at bumulong.  “By the way, you look really beautiful tonight.  Ingat ka sa mga lalaki at maraming sira ulo rito ngayon.” Ngumiti lang siya.  For sure, wala ng ibang lalaki roon na makakakuha ng atensyon niya.  Dahil na kay Rozen na ang lahat ng pansin niya.  Abala pa rin sa pagpipiyesta ang puso niya dahil sa ibinulong nito kaya hindi na niya napansin ang pagbangga niya sa isang tao roon. “Ay, sorry, sorry.” “No problem.” Napatingin siya sa mukha ng nagsalita.  A familiar smiling face greeted her. “Jigger?  Or Trigger?” “Jigger.  And you are…?”   Napangiti lang siya.  Kahit ito ay hindi siya nakilala.  Iba talaga ang nagagawa ng tube dress. “Wait, I know that smile,” wika nito.  “Ada?  The girl from the Stallion Guesthouse, right?” “Ako nga.” “Wow.  Muntik na kitang hindi makilala, ah.  You looked…different.  Maganda ka pala kapag nag-iba ka ng damit.” “I’ll take that as a compliment.” “So, kumusta na kayo ni Rozen?  Siya ang kasama mo rito, hindi ba?” “Oo.  Kaya lang kinausap siya nung tatay ng celebrant.  Business.” “That guy.  Wala ng inatupag kundi negosyo at ang Sta. Barbara.  Mabuti na lang pala at ako ang unang nakausap mo.  Kung hindi, dinumog ka na ng mga lalaki dito.” “Ha?” “My dear girl, don’t you know how beautiful you are?”  Nagpamaywang ito at inilibot ang paningin sa paligid.  “Remind me to kick Rozen’s a*s when I see him for letting you roam around on your own.  In the meantime, ako na muna ang magbabantay sa iyo.  Just a little compliment for him since he and I were both from the Stallion Riding Club.”  Inilahad nito ang kamay sa kanya.  “How about a dance, pretty lady?” Tinanggap niya ang alok nito.  Afterall, he’d been a part of her fantasies before she knew Rozen and fell inlove with him.  Wala siyang pinagsisisihan na minsan ay nahumaling siya sa guwapong mukhang iyon na may dalawang identity.  Hindi siya nagkakamali sa taong kanyang hinahangaan.  Lahat ng lalaking pinagpantasyahan niya sa SRC, sigurado siyang worth it ang panahon at paghangang ibinigay niya sa mga ito.  At ngayon nga, isa rin sa kasamahan ng mga ito ang tuluyang nagpa-ibig sa kanya. No regrets on her part. “You look like you’re inlove,” wika nito habang patuloy silang sumasayaw.  “Tama ba ang obserbasyon ko?” “Secret.” “Ah, come on.” “Kilala ang reputasyon ninyong magkakambal sa Stallion Riding Club pagdating sa lovelife ng mga tao roon.  Let me have this wonderful feeling for a while, Jigger.” “For a while?” “Mahirap lang ako.  Mayaman ang taong minahal ko.  Alam kong kahit anogn mangyari, hinding-hindi magkakatuluyan ang isang tulad ko at ang lalaking minahal ko.  Tanggap ko iyon.” “That’s a weird theory.” “That’s reality.” Ngumiti lang ito.  Pero may palagay siyang malayo ang nararating ng isip nito.  Natapos na rin ang tugtog. “Oh, thank goodness!” sambit niya.  “Hindi ko na yata kayang maglakad.  Pesteng sapatos ito!” “Sige, maupo ka na lang muna rito.  I’ll go get something to drink for you.” “Salamat.” Hindi gaanong pansinin ang kinaroroonan niyang table kaya nagawa niyang pasimpleng hubarin ang sapatos niya.  Gusto na niyang murahin ang kung sinomang nagpauso ng highheeled shoes.   “How was Cinderella’s night?  Enjoying yourself?” Binalingan niya ang nagsalita.  Tatlong babae ang nasa harap niya ngayon.  Hindi niya kilala ang mga ito pero may palagay siyang importanteng tao ang mga ito dahil magaganda ang mga suot nila. “A, ako ba ang kinakausap ninyo?” “Oo, ikaw nga.  Hampaslupa.” Napadiretso siya ng upo.  Puwede kaya niyang tarakan ng takong ng sapatos niya ang noo ng bruhildang ito?  Pati na rin ang dalawang chuwariwariwap nito. “I’m sorry.  Can I do something for you?” “Aba, tingnan mo nga naman ang mga social climbers.  Gagawin ang lahat, pati ang pagpapanggap na marunong mag-English, para lang magmukhang sosyal.  Alam mo, girl, kahit ilang baldeng English pa ang ipaligo mo sa katawan mo, lalabas at lalabas pa rin ang tunay mong kulay.  Even your gown and your makeup weren’t enough to cover your filthy background.” “It was expensive, though,” tukoy ng isa sa mga ito sa kanyagn damit.  “How much did you buy it?  Or should I say…what did you pay it with?” “Obviously, with her body,” sagot ng pangatlong babae.  “Rozen wouldn’t look at a woman like her.  Nor talk to her.  Mahirap lang siya.  Ano ba sa palagay ninyo ang makakaya niyang ibigay para lang mapansin ng hindi lang isa kundi dalawang Stallion Riding Club members?” “Kung ako sa iyo, Cinderella, gumising ka na sa kahibangan mo.  Huwag ka ng umasang magkakagusto sa iyo si Rozen.  Alam ng lahat na masyadong partikular si Rozen Aldeguer sa mga kinikilala niyang tao.  Isa ka lang amusement sa kanya.  I’m sure he was still with you because you still had some worth to him.  Pagkatapos nun, its bye-bye Cinderella.” Isinuot na uli niya ang kanyang sapatos bago hinarap ang mga ito.  “Hindi na ninyo kailangang sabihin iyan sa akin dahil matagal kong alam iyan.  Tama naman kayo.  Magkasama pa rin kami ni Rozen hanggang ngayon dahil may kailangan pa siya sa akin.  So?  at least magkasama kami.  At take note, nakatira kami sa iisang bubong.  Kayo, anong drama ninyo?  Hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo makalapit sa kanya, ano?  Kaya ako ang pinag-iinitan ninyo.  Kawawa naman kayo.  Natalo pa kayo ng isang Cinderella’ng gaya ko dahil kahit ganito ako, nakasama ko sa palasyo niya ang prinsipeng pinapangarap pa rin ninyo hanggang ngayon.” Walang makapagsalita sa mga ito.  Ngumisi lang siya.   “O, ano na?  May sasabihin pa ba kayo?” “How dare you talk to me like that, you poor person!  This is my birthday party!  And I want you out of here now!  Huwag kang makikihalubilo sa mga hindi mo kauri!” “Huwag kang mag-alala.  Hindi ko pinangarap na maging kauri ang isang tulad mo.  Magpapakamatay ako kapag nangyari iyon.” “Get out!  Get out!” “Torrance!  What the heck are you doing?” Doon lang niya napansin na halos lahat ng tao roon ay nakatingin na sa kanila.  Napakagat labi na lang siya.  Ilan kaya sa mga nasabi niya ang narinig ng mga ito? “Papa, I want her out of my party!  Now!  I want her out now!  She’s ruining the atmosphere around here!” “Torrance, stop it!”  Bumaling sa kanya ang butihing matanda.  “I’m really sorry about this, hija.” “Okay lang ho.”  Tumayo na siya at pinilit na makapaglakad ng diretso sa kabila ng p*******t ng kanyang mga paa. Until someone had grabbed her arm.  “Ituloy na lang natin ang usapan natin sa ibang araw, Mr. Yasay.” “Mayor Aldeguer, I’m really sorry about this—“ “Don’t worry.  Things will still be the same regarding our business deal.”  Hinila na siya ni Rozen palabas ng naturang lugar.   Ngunit hindi rin nakalagpas sa pandinig niya ang mga naging usapan habang papalayo sila roon. “What a boring party.  Quincy, hon, ang mabuti pa umalis na rin tayo.” “Mabuti pa nga.” “Brad, kailangan pa ba nating tumagal dito?” “We don’t need to, Chiza.  Let’s go somewhere else.” “Zell, akala ko ba mag-e-enjoy ako rito?” “Nag-enjoy ka naman, hindi ba?” “Kanina, oo.  Pero ngayon, hindi na.  Nakakaamoy na ako ng cheap na pabango, eh.” “Dominique…”  “Maiwan ka rito kung gusto mo.  Wala akong panahong makipag-associate sa mga taong…hindi naman tao.  Hindi bagay ang kadakilaan ko rito.” Iyon ang mga huling usapang narinig niya bago sila tuluyang nakalabas doon ni Rozen.  At kung hindi siya nagkakamali, mga taga-Stallion Riding Club ang karamihan sa nagsalitang iyon. “Nandito pala ang karamihan sa mga kasamahan mo sa Club,” aniya.  “Nakakahiya.  Narinig pa nila ang mga pinagsasasabi ng tamaldits na birthday celebrant na iyon.” “Huwag mong intindihan ang mga sinabi ni Torrance.” “Wala naman sa akin iyon.”  Huminto sa paglalakad si Rozen.  “Hay salamat.  Akala ko hindi ka na didire-diretso na tayo—“ “Ada, kalimutan mo ang mga sinabi ni Torrance.” “Areglado!” “All she said were bullshits.” “Alam ko.” “Ada—“ “Sandali!”  Itinaas niya ang isang kamay saka tinanggal ang suot na pesteng sapatos.  Doon lang siya nakahinga ng maluwag.  “Hay…life.” “You were thinking of your shoes all this time?” “Oo, masakit na kasi ang mga paa ko, eh.”  She clapped the two shoes together.  “Maganda lang siyang tingnan pero hindi naman siya ganon kasarap gamitin.  Mapagpanggap talaga ang maraming bagay dito sa mundo…” Tiningnan niya si Rozen.  May kung anong tila bumabagabag dito.  Marahil ay ang tungkol sa nangyari roon sa birthday party ang iniisip nito. “Huwag kang sumimangot, Rozen.  Hindi bagay sa iyo.  Sayang ang amerikana mo.” “Ada…”  Nagpamaywang ito at sinuklay ng mga daliri ang buhok.  “I don’t know where to start.  Alam kong nainsulto ka sa mga pinagsasasabi ni Torrance.” “Yeah, well, medyo nga.  Pero kung titingnan mo naman ng maigi, may punto naman siya.  Mahirap lang ako at hindi dapat akong nakikipag-associate sa mga tulad ninyong mayayaman.” “Kanino mo naman narinig iyan?” “That’s life, Rozen.” “That’s bullshit!” “Wow!  Hindi naman mainit ang ulo mo ng lagay na iyan?”  Natawa na lang siya sa reaksyon nito.  Parang kulang na lang ay maglabas ito ng jungle bolo at maghamon ng away.  “Cool ka lang, Rozen.” “Walang batas na nagsasabing hindi puwedeng magtagpo ang landas ng mga mayayaman at mahihirap.” “Yeah, I agree.  But then, society dictates the opposite.”  Napalatak na lang siya.  “Saklap.” “Bakit makikinig ka sa society?  Sila ba ang nagpapakain sa iyo?” “You have a point.”  Inayos niya ng kurbata nitong nagulo.  “Bakit parang masyado ka yatang affected sa mga sinabi ni Torrance?  Ako naman ang pinatamaan niya.” “I just don’t want you to think…”  Inayos naman nito mga hibla ng buhok niyang nakawala sa pagkakaipit niya.  “That you don’t belong in my world.” “Nakakatawa ka talaga, Rozen.  Samantalang ikaw pa nga ang unang nagsabi niyan noon sa akin.  That you’re a Stallion boy and that I’m just one of the people who works for you.  Shing!  Shing!” nakangisi pa niyang wika. Natigilan ito.  Pero ilang sandali lang din ay tila nakabawi ito.  “Hindi na ba puwedeng magbago ang tao?” “Siyempre puwede.  Kaya nga nauso ang salitang ‘rehab’, eh.” “Ada.” “Yes?” Matagal siya nitong tinitigan bago bumaba ang tingin nito sa mga paa niyang wala ng sapin ngayon.  “Masakit pa ba ang mga paa mo?” “Hindi na gaano.  Bakit?” “Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong isayaw ang pinakamagandang babae sa party na iyon kanina.”  Inilhad nito ang kamay sa kanya.  “Would you care to dance?” “Wala namang music.  At nasa gitna tayo ng kalsada.” “I don’t care where we are.  I just want to dance with you.”  He moved towards her to gather her in his arms.  “And I can create music for us.” Then the started humming as their bodies swayed slowly to the tune of the music he created for them.  She buried her face against his broad chest.   For a while, she wanted to have this world for only for the two of them.  For a while, she wanted to feel he feels the same way as hers.  For a while, she wanted to have this man she had learned to love and accepted all his faults at he same time.  For a while, she wanted to dream that he loves her as well.  Pagkatapos ng gabing iyon, masaya na uli siyang babalik sa dati niyang buhay.  Kung saan malaya niyang mapagmamasdan sa malayo ang lalaking minahal niya sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila. For a while…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD