CHAPTER 12

606 Words
“ANO KAMO?” “Birthday ng anak ni Mr. Yasay at mamayang gabi ang celebration.  He invited me.” “E, bakit kasama pa ako?” “Tinatamad akong magpunta ng walang kasama.  Anyway, the invitation is good for two people.” Ayaw talaga niyang sumama sa mga ganong okasyon.  Wala naman kasi siyang kahilig-hilig talaga sa mga parties.  Kuntento na siyang pakanta-kanta lang sa mga videoke bars kapag naiisipan niyang lumabas ng mga kaibigan niya.   “Wala na akong ibang maimbitahan para samahan ako,” patuloy ni Rozen.  “Kung ayaw mo, hindi na lang din ako pupunta.” “Teka…sandali at mag-iisip ako.”  Alam kasi niyang importante para sa isang pulitikong gaya nito ang pumunta sa mga ganoong klase ng okasyon.  Hindi lang para makipagsosyalan kundi para na rin makilala ng mga malalaking taong maaaring maging supporter para sa kampanya.  “You said Mr. Yasay?  Hindi ba’t may business transaction kayo niyon?” “Oo.” “Kung ganon mas kailangan mong pumunta.” He put down his cup of coffee and continued reading his newspaper.  “Hindi ako pupunta roon ng walang kasama.  Parties bore me to death.  Kaya nga kailangan ko ng kasama para may mapaglilibangan naman ako.” Napasimangot na lang siya.  “Kagabi, unan.  Ngayon naman, clown.  Nanliliit na ako sa mga nagiging papel ko sa buhay mo, ah.” “Tell you what…”  Itinupi nito ang babasahin at binalingan siya.  “Uubusin ko ang lahat ng ito, kung sasama ka sa akin sa party ng anak ni Mr. Yasay.” Marami-rami ang inihandang agahan na iyon ni Aling Elsa.  “Okay, call!  Pero may isa lang problema.  Wala akong damit para sa isang party.  Uniform ko lang ang matino-tino kong damit.  Dahil ‘yung ibang damit ko ay ipinahiram lang sa akin nina Mariz at Clara.  Ikaw naman kasi, bigla mo na lang akong kinidnap sa Stallion Riding Club.” “Don’t worry about your dress.”  Inumpisahan na nitong lantakan ang pagkain.  “Ako na ang bahala roon.” “May stock kang dress sa closet mo?” “Ako na ang bahala roon, kaya huwag ka ng mang-intriga riyan.”  Nilagyan nito ng pagkain ang plato niya.  “Kumain ka rin.  Baka mamaya, magkapalit pa tayo ng puwesto.” “Hinding-hindi ako magkakaproblema sa sikmura.  Mahal na mahal ko yata ang mga pagkain.” “Good.  O, hayan pa.  Kain.” “Tama na iyan.  Ginugulangan mo na ako, eh.” “Ayaw lang kitang magutom.” Ganoon sila nang umagang iyon.  Nagkukulitan.  Hanggang ngayon, hindi niya akalaing darating sila sa ganitong pagkakataon.  ‘Yun bang hindi na inaalala kung anong estado nila sa buhay.  Si Rozen na ang gumigiba sa pader na ipinagitan nito sa kanila.  Well, at least that’s what she thought.  And she like that thought.  Kaya sa ngayon, ayos na rin ang lahat. Nang hapong iyon ay dumating doon ang dalawang bading bitbit ang limang kahon ng mga damit para pagpilian niya.  Sabi ng mga ito, ipinadala sila roon ni Rozen.  Parang gusto tuloy niyang isipin na siya si Cinderella at ang lalaking iyon ang kanyang Prince Charming con fairy godmother.   Fairy?  Godmother?  Parang ang sagwa.  Puwede na ang Prince Charming. Buong maghapon niyang hindi nakita si Rozen sa bahay kaya nakapag-practice siya nang husto sa napili niyang damit.  Na-excite tuloy siya nang husto kaya hindi na rin siya lumabas ng kanyagn silid at nag-practice ilakad ang sapatos niyang may mataas na takong.  Ayaw niyang ma-disappoint si Rozen kaya dapat lang ay maging karapat-dapat siyang tumayo sa tabi nito mamayang gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD