HINDI MAPAKALI sa kinahihigaan niya si Ada. Alas onse na ng gabi nang pumasok siya sa kanyang silid dahil hinihintay niyang dumating si Rozen. Ngayon, mag-a-alas dos na ng madaling araw pero wala pa rin siyang naririnig na ingay ng dumating na sasakyan. Nag-aalala na siya. May nangyari bang masama rito?
Tinawanan na lang niya ng sarili nang ma-realize kung ano na ang nangyayari sa kanya. Daig pa kasi niya ang isang asawang naghihintay sa pagbabalik ng kabiyak. Ang pagkakaiba lang, siya ‘feeling’ lang.
“So what? Nag-aalala ako kaya walang pakialamanan.”
Nauhaw siya kaya ipinasya niyang lumabas at kumuha ng tubig sa kusina. Muntik pa siyang mapatili nang sa pagdaan niya sa sala ay may bumukas ang lampshade roon.
“Bakit gising ka pa? Madaling araw na, ah.”
“Rozen!” Nilapitan niya ang lalaki at hinampas ito ng nadampot na throw pillow. “Ano ka ba? Huwag mo nga akong tatakutin ng ganyan.”
Inagaw nito sa kanya ang throw pilloaw at ipinatong iyon sa dibdib nito. Nakasalampak lang ito sa sofa na tila ba pagod na pagod.
“Nagulat din ako nang bigla kang sumulpot kung saan,” wika nito. “I thought you’re a ghost or something.”
“Multo ka diyan.” Sa malamlam na liwanag ng lampshade, pinagmasdan niya ito. “Mukhang malayo-layo ang narating mo, ah.”
“Dito lang kami nag-ikot sa Sta. Barbara para makipag-usap sa mga tao.”
“Nag-aaklas pa rin ba sila?”
“I don’t know. Hindi pa namin malalaman ngayon ang resulta ng ginawa naming pakikipag-usap. I just wish maintindihan ng mga tao rito na para rin sa kanila ang ginagawa naming pagbabago.”
Naghikab na ito. Her heart couldn’t stop reaching out for the man she knew was invincible. Kaya ngayong nakikita ito ngayong nanghihina sa harapan niya, parang gusto niya itong yakapin. Kahit alam niyang hindi puwede.
“Ginagawa naman ninyo ang lahat,” wika niya. “Kaya siguradong matatauhan din ang mga iyon.”
“Hmm.”
“Kanina ka pa ba? Hindi ko kasi narinig ang pagdating ng sasakyan mo.”
The side of his lips turned up. Was he smiling at her?
“Hinihintay mo ako?”
“Hindi, ah,” mabilis niyang tanggi. “Ano…tinatanong lang ako nina Aling Elsa dahil gabing-gabi na nga raw e wala ka pa.”
“Sanay na sila sa pag-uwi ko ng wala sa oras.”
Yes, buking na siya. “Yeah, well…nag-aalala lang naman ako na baka may mangyaring hindi maganda sa iyo. Paano ako makakabalik ng Maynila kapag nagkataon?”
“You have Reid’s number, right?”
“Ang taong batong iyon? I doubt it kung kikilos iyon para sunduin ako rito kung sakali.”
“Reid may seem cold and heartless. But he wasn’t such a bad guy.”
“Ow? Ipinagtatanggol mo na siya ngayon? Samantalang patatalsikin ka na nga niya sa SRC.”
“I understand him. May punto naman talaga siya kaya nga hindi ako tumanggi nang ikaw ang gawin niyang espiya para sa akin. Walang karapatang maging club member ang isang may diperensiyang tulad ko.”
“Hindi totoo iyan! There’s nothing wrong with you! Kulang ka lang sa pagkain, iyon lang. And its not because you deliberately forget about it. Masyado lang marami ang pinagkakaabalahan mo kaya madalas ay nakakalimutan mo ng kumain. Karamihan sa club membes ng SRC ay negosyante. Lahat sila ay magsasabihing madalas ding mangyari na makalimutan nila ang pagkain dahil sa dami ng trabaho nila. Ang ipinagkaiba lang ng sitwasyon mo, you just had too much things to do and just little time.”
“Sa mga sinabi mo, parang babanatan mo rin si Reid kapag sinipa na niya ako palabas ng Stallion Riding Club.”
“Talaga! Wala siyang alam sa pinagdadaanan mo.” Napabuntunghininga siya. “Ang totoo, isa rin ako sa mga nag-judge sa iyo. Noong nasa SRC pa tayo, ang tingin ko sa iyo ay oportunista at matapobre. Base kasi sa networth ng mga tao roon ang pagkakakilala mo sa kanya. Pero ngayon, alam ko na kung bakit wala kang pakialam sa mga taong walang maitutulong sa iyo. Dahil kailangan mo ng tulong. Para sa pangarap mong pagbangon ng Sta. Barbara. Malaki nga naman ang magiging tulong ng mga nakakausap mong negosyante sa SRC kapag nagtayo sila rito ng negosyo nila. Magkakaroon ng trabaho ang mga tao rito at tataas ang income ng buong bayan.” Nagpamaywang siya at ngumiti na nang tuluyan dito. “You’re just too good to be true it makes me want to kiss you.”
Ngayon ay mas malinaw niyang nakita ang pagngiti nito. At parang nalulusaw ang puso niya habang patuloy itong pinagmamasdan. Hindi niya akalaing malaki ang impact ng isang simpleng ngiti sa itsura ng isang tao. Dahil kung guwapo na ito kapag seryoso ito, lalo na ngayong nakangiti ito. Damn it! She just couldn’t get enough of that handsome, and now smiling, face of his. And at that moment, she finally understood all those crazy feelings she had that concerns Rozen Aldeguer. She wasn’t just attracted to him. She also has feelings for him.
“Ada.”
“O.”
“Can I call you Ada now?”
Ano nga ba ang pumasok sa isip niya at pinigilan pa niya itong banggitin ang pangalan niya? E, ang ganda-ganda ng pagkakabanggit nito ng pangalan niya. Nagiging extraordinary ang dating ng napaka-simpleng pangalan niyang iyon. Parang kinikiliti ang puso niya kapag naririnig itong sinasambit ang pangalan niya.
“Kahit Maria Sharapova pa ang itawag mo sa akin, wala ng problema iyon. Kung saan ka masaya…’yun lang.”
He matched her grin. Her heart flipped. He was just too handsome. Tinapik-tapik nito ang espasyo sa tabi nito.
“Sit here.”
“Mamaya na. Ipaghahanda na muna kita ng makakain.”
“Don’t worry about it. Nakakain na ako.”
“Ow?”
“Yeah. Itanong mo pa kay Albert.”
“Baka kaing pusa na naman iyon.”
“No. Kumain na talaga ako. Naaalala ko kasi ang itsura mo kapag pinipilit mo akong kumain.”
Saglit siyang nag-isip kung ano nga ba ang itsura niya sa tuwing kinukulit itong kumain. And for him to be forced to eat with that look, she must have looked—
“Cute,” wika nito. “You looked cute when you’re frustrated like that because you couldn’t get me to eat my meal.”
“Ah. Maganda naman pala ang image ko. Akala ko…” She bit her lower lip to keep herself from grinning. Pinapakilig talaga siya nito nang husto. Siguro, pansamantala na muna niyang kalilimutan ang pagitan ng estado nila sa buhay. Sa ngayon, mag-e-enjoy na muna siyang kasama ito.
She sat beside him, with her heart thumping like crazy once again. “So…ano na ang gagawin natin?”
“Wala.” She heard him sigh. “Ano ang pinagkaabalahan mo rito habang wala ako? Bukod sa pakikipagtsismisan sa mga kasambahay ko.”
“Kahit ano. Nakigulo ako sa kusina.”
“Nagpa-practice kang magluto? Akala ko ba wala kang balak na maging katulong kapag nag-asawa ka na?”
“Wala nga. Pero naisip kong mainam pa rin na maipagluluto ko kahit minsan ang magiging asawa ko. My father liked my mom’s cooking so much. Kahit simpleng putahe lang, pag nakikita ko ang tatay kong nakikipagkuwentuhan sa nanay ko tungkol sa luto niya, daig pa niya ang kumakain sa mga mamahaling restaurants. My mom never stopped smiling.” Kahit siya ay hindi rin mapigilang mapangiti sa tuwing nakikita niya ang paglalambingang iyon ng mga magulang niya. “Come to think of it, pinagsisilbihan ng mga babae ang kanilang mga mister not just because its their duty but it was also because its their choice. Gusto nilang makitang masaya ang mga mister nila kaya nila ginagawa ang lahat ng iyon. I guess that’s the real meaning of love.”
“And you found all that in one day?”
“Hindi mo lang alam kung gaano karami ang malalaman mo sa pakikipag-usap sa mga tao sa paligid mo.”
“Hmm, I can only agree.”
“Kaya gaya ng nanay ko, gusto ko ring makitang napapangiti ang magiging asawa ko sa mga luto ko balang araw.”
“That’s a nice thought.”
“Rozen, can I ask you something?”
“About what?”
“Bakit ka naging politician? Hindi maganda ang reputasyon ng mga pulitiko sa bansang ito. Bakit gusto mong makisali sa bandwagon nila?”
“I don’t know. Maybe…I just wanted to have a little power that I could use to make some changes for the people around me. I wanted to do something good for them.”
Napangiti na lang siya. “Masuwerte talaga ang Sta. Barbara sa iyo, Rozen.”
Nabaling ang atensyon niya rito nang maramdaman ang paglapat ng ulo nito sa kanyang balikat.
“I’m just so tired,” halos pabulong nitong wika.
“Rozen…”
“Let me stay this way with you for a while, Ada,” pakiusap nito. “Just for a while…”
The great Rozen Aldeguer, asked her for a favor! Binalot ng kakaibang damdamin ang puso niya nang mapagmasdan ang guwapong mukha nito. Pagod na pagod na nga siguro ito dahil ilang sandali lang ay nakatulog na ito. She moved to gently wrapped her arm around his broad shoulders. Sa pagkakataong ito, siya naman ang mag-aalaga rito.
For a while, she could pretend he wasn’t a Stallion boy and she wasn’t just an employee working for them. Inihilig din niya ang kanyang ulo rito saka niya ipinikit ang kanyang mga mata.
I love you, Rozen. I love you for your strength as well as for your weakness.