CHAPTER 10

696 Words
“SABI MO hindi ka girlfriend ni Sir Rozen.  E, bakit nakita ko kayo kahapon na naghahalikan sa sala?” Hindi alam ni Ada kung ano ang isasagot sa tanong na iyon ni Clara.  Kasalukuyan sila noong nakatambay sa kusina kasama ang tatlong katulong.  Lumabas kasi si Rozen upang maglibot-libot daw sa mga baryo ng Sta. Barbara. “Tapos, sabay pa kayong kumain kanina,” dugtong ni Mariz.  “Siguro talagang kayo na nga.  Mula nang magtrabaho kami rito, ngayon lang namin nakitang may hinayaan si Sir Rozen na sumabay sa pagkain niya.” “Sus, sa Stallion Riding Club, laging may kasabay kumain si Rozen,” palusot niya kahit hindi namna niya alam kung ano ang aktibidades ng binata kapag nasa SRC ito since sa gabi ang shift niya sa trabaho.  “I’m sure hindi ito ang unang pagkakataon na may nakasabay siya sa hapag.” “Oo nga,” si Mariz uli.  “Pero dito sa bahay niya, bihirang-bihirang kumain sa komedor si Sir.  Lagi siyang doon sa may patio kumakain kapag naiisipan niyang kumain.” “Naaalala siguro niya ang mga magulang niya kapag kumakain siya sa isang hapag kainan,” singit na ni Aling Elsa.  Mukhang ito ang talagang nakakaalam sa naging buhay ni Rozen noon.  “Close kasi sila ng mga magulang niya noong nabubuhay pa ang mga iyon.  Kaya ang makitang nagagawa na uli niyang humarap sa hapag nang dahil sa iyo, magandang pangitain iyon.” “Magandang pangitain?” “Laging nag-iisa iyang si Sir Roz kahit noon pa.  Wala siyang pinapayagang makalapit sa kanya nang lubusan.  Siguro dahil ayaw na niyang maranasan ang masaktan kapag ang taong mahalaga sa kanya ay nawala, gaya ng nangyari sa kanya nang sabay na mamatay ang mga magulang niya.  Pero nang dahil sa iyo, Ada, sa wakas ay natututo na siyang buksan uli ang puso niya.” Buksan uli ang puso.  That’s a nice thing to know.  Ngunit hindi niya lubos na pinaniwalaan iyon.  Dahil sa bibig mismo nito nanggaling na hinding-hindi ito magkakagusto sa kanya.  Just look at that kiss.  Biro lang iyon para rito.  Hindi siya nito seseryosohin kaya hindi na lang siya umaasa.  Aware naman siya kung saan talaga ang lugar niya sa mundo.   “Ada, alagaan mo si Sir Roz para sa amin, ha?  Mahal na mahal namin iyon, eh.  Hindi lang dahil sa guwapo siya at crush namin siya.  Kundi dahil siya ang nagbibigay sa amin dito sa Sta. Barbara ng pag-asang makakaahon pa kami sa hirap.” “Sa lahat ng naging mayor ng lugar na ito,” dugtong ni Clara.  “Si Sir Roz lang ang tanging nakitaan namin ng matinding pagmamalasakit sa mga tao rito.  Na sa kabila ng pagtataboy sa kanya ay nananatili siya rito at nagtitiyagang ayusin ang lahat sa Sta. Barbara.” “Pero dahil sa mga ginagawa niya para sa amin, kapalit naman niyon ay ang pagkalimot niyang alagaan ang kanyang sarili,” si Aling Elsa uli.  “Ada, sa iyo lang nakikinig si Sir Roz.  Sana nga, alagaan mo siya para sa amin.” Ngumiti lang siya.  “Huwag kayong mag-alala.  Hangga’t nasa tabi niya ako, akong bahala sa kanya.” “Ada, kahit hindi ka girlfriend ni Sir Roz…may gusto ka ba sa kanya?” I’m one of the Stallion boys.  And you’re just one of the people who works for us.  Ngumiti lang uli siya at marahang umiling. “Bawal magkagusto sa kanya ang isang ordinaryong tulad ko.”  Nagkatinginan ang mga ito sa isa’t isa.  Halatang hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin.  “Pareho kaming bahagi ng Stallion Riding Club.  Pero magkaiba ang antas ng kabuhayan namin.  Pagbalik namin doon, mas magiging malinaw ang papel naming pareho sa mundo.  Mananatiling naroon siya sa itaas at mananatiling naroon ako sa ibaba at nakatingin lang sa kanya.” “Hindi mo pa rin sinagot ang tanong ni Clara, hija.” “Wala.”  Yumuko siya.  “Ibang tao ang gusto ko.” Pero sa sinabing iyon ay mas naging malinaw sa kanya ang nararamdaman niya.  Hindi na si Jigger ang lalaking tinitingala niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD