CHAPTER 7

872 Words
“HINDI KA girlfriend ni Mayor?” Nagpalipat-lipat ng tingin si Ada sa tatlong katulong sa bahay ni Rozen.  Ang maids na sina Clara at Mariz, at ang pinakamayordoma na si Aling Elsa.  Kasalukuyang naliligo si Rozen sa silid nito pagdating nila roon.  Siya naman, since naalala niya ang request ng binata ay dumiretso na sa kusina.  Para magpaluto ng adobong atay ng manok sa kung sinomang marunong magluto niyon.  Wala na kasi talaga siyang pag-asa sa kusina. “Hindi nga niya ako girlfriend.  Receptionist ako sa Stallion Riding Club kung saan siya member.  Nagkaroon ng kaunting problema at pareho kaming nasangkot, sa hindi ko malamang kadahilanan, kaya heto ako ngayon.  Buntot ni Sir Rozen.”  Parang ang pangit pakinggn.  “Ni Rozen.”  There you go. Wala naman sila sa premises ng SRC kaya puwede na siguro niya itong tawagin sa pangalan nito. “Hay!  Buti na lang!” sambit ni Clara na nasa edad eighteen siguro.  Tila kasing edad lang ito ni Mariz.  “Akala namin mabibigo na kami kay Sir Roz.” “Sige, bati ka na namin, Ada.” “Tigilan na nga ninyo si Ada,” saway ni Aling Elsa.  “Teka, hija, bakit puro putik ang mga paa mo?  Ang mabuti pa, maghugas na ka na muna.” “Oo nga ho.  Kanina pa nga ako nanlalagkit.” “Mariz, ikuha mo si Ada ng tsinelas doon sa likod bahay para ma sapin naman siya sa paa.” “A, siyanga pala, Aling Elsa, puwede ho bang magpaluto ng adobong atay ng manok?  Iyon kasi ang request sa akin ni Rozen kanina.  Hindi naman ako marunong magluto kaya…”  Nabaling sa kanya ang atensyon ng mga ito.  “E…bakit ho?” “Nag-request ng makakain si Sir Roz?” “May problema ba dun?” “A, wala naman,” sagot ng matanda.  “Ngayon lang kasi namin narinig na humingi ng pagkain si Sir.  Usually, hindi iyon kumakain dito.” “Hindi talaga mismo kumakain,” dugtong ni Mariz.  “PUro na lang siya trabaho.” “Nakakaawa naman iyon si Sir,” si Clara naman.  “Lagi na lang niyang inuuna ang kapakanan ng mga taga-Sta. Barbara na matitigas naman ang mga ulo.  Ewan ko nga ba riyan kay Sir kung bakit pa niya naisipang pamunuan ang walang kuwentang bayan na ito.” Na-curious tuloy siya sa sinabi ng mga ito.  Kanina pa nga rin niya gustong magtanong ng ilang bagay tungkol sa binata.  Hindi lang niya alam kung kanino magtatanong ng hindi naman mukhang offending para kay Rozen. “Kung ako sa kanya,” patuloy ni Mariz.  “Doon na lang siya sa Stallion Riding Club.  Mas bagay siya roon.  Wala siyang sakit ng ulo doon, walang problema.  Samantalang pag nandito siya, nagmamalasakit na nga siya sa mga tao, siya pa ang masama madalas.” “Oo nga.  Kapag umaalis siya rito sa Sta. Barbara, lagi ko na lang iniiisip na sana huwag na siyang bumalik.  Wala naman siyang napapala rito kundi sakit ng ulo.  Hindi siya bagay sa walang kuwentang lugar na ito.” “Huwag nga kayong magsalita ng ganyan,” saway ni Aling Elsa.  Ngunit sa boses nito ay maaaninag ang pagsang-ayon sa dalawang dalagita.  “Mabuti nga at may tulad pa niyang hindi nawawalan ng pag-asang maibangon ang bayan natin.  Magpasalamat na lang tayo at naging taal na taga-Sta. Barbara si Sir Rozen.” “Dito siya…lumaki?” tanong niya sa wakas.  Hindi yata siya makapaniwalang ang isang tulad ng lalaking iyon ay nanggaling sa tila bangungot na lugar na iyon. “Hindi naman mayaman ang pamilya ni Sir Roz,” sagot ng matanda.  “Pero nagsumikap ang mga magulang niya na maipadala siya sa Maynila para makapag-aral.  Doble kayod ang ginawa nila para lang matustusan ang pag-aaral niya.  Natupad naman ang pangarap nila.  Naka-graduate si Sir Roz, pero nagkaroon iyon ng kapalit.  Namatay ang mga magulang niya.  Hindi nakayanan ng kanilang mga katawan ang sobrang pagtatrabaho.  Maiintindihan ko siya kung sakaling nagalit siya sa lugar na ito na nagpahirap ng husto sa kanyang mga magulang.  Pero alam mo, natutuwa na rin ako na hindi siya nagtanim ng galit sa Sta. Barbara.  Baka sakali, sa kanya tuluyang makabangon ang lugar naming ito na matagal ng lugmok sa kahirapan.” Walang nakaimik sa dalawang dalagita.  Tila naunawaan din ng mga ito ang mga sinabi ng matanda.  Kahit siya, parang nakaka-relate sa gustong ipahiwatig ni Aling Elsa. “Masuwerte kayo at may isang Rozen Aldeguer na mag-aalaga sa inyo rito sa Sta. Barbara,” wika niya saka nagtungo na sa banyo para maghugas ng paa.  “Kailangan ko palang mag-sorry kay Rozen.  Nagkamali ako ng pagkakakilala sa kanya.” Habang naglilinis ay hindi niya maiwasang isipin ang lahat ng mga nalaman niya tungkol sa binata.  Kaya pala sa kabila ng pagkakakilala niyang isa itong masamang nilalang, nagawa pa rin nitong pangalagaan siya. “So this is the real identity of Rozen Aldeguer,” sambit niya habang nakaharap sa salamin.  “Hard on the outside but soft in the inside.” Napangiti na lang siya.  She wouldn’t mind taking care of him for a while now that she knew he wasn’t that bad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD