CHAPTER 6

1094 Words
NAGISING SI Ada nang wala sa oras na mapayukyok ang kanyang ulo at dire-diretso siyang bumagsak sa upuan ng backseat.  Pagbangon niya ay nagtaka pa siya sa kinaroroonan niya.  Oh, yeah.  nasa sasakyan nga pala siya ni Rozen.  And speaking of that guy…Tila nawala ang kanyang antok nang makitang nasa gitna ng maraming tao sa labas ng sasakyan ang lalaki.  May mga hawak na banner at kung ano-anong paraphernalia ang mga ito, halatang nasa kasagsagan ng pagwewelga. Nasaan na nga ba sila?  Lumabas siya ng sasakyan upang mas mapagmasdan ang paligid.  Pero naramdaman lang niya ang paglublob ng mga paa niya sa putik. “Ay, ano ba iyan?”  And that’s when she had a good look of their surrounding. Hindi lang basta probinsyang-probinsya ang dating ng kinaroroonan nila.  Isang probinsyang parang kinalimutan na ng Diyos ang lugar na iyon.  Maputik ang kalsada na puro lubak, madamo ang ilang bahagi niyon at ang mga bahay ay wala sa kaayusan.  Pati ang mga bakod na pinagtagni-tagning kahoy lang na halatang patapon naman lahat.  Lumaki rin naman siya sa probinsya pero hindi ganito ang kalagayan ng lugar nila.  Dahil kahti saan siya lumingon sa lugar na iyon, wala siyang ibang nakikita kundi mukha ng kahirapan. What is this place? “Nakikiusap na ho ako sa inyo na hayaan ninyong bigyan ng pagkakataon ang mga bagay na gusto kong mangyari sa Sta. Barbara,” boses iyon ni Rozen.  “Bago naman ho sana tayo mag-isip ng negatibo sa mga iyon.” Sta. Barbara?  Ito na ang Sta. Barbara?  Ang bayan na pinamumunuan ni Rozen Aldeguer?   “Hindi kami papayag, Mayor!  Ang gusto nyo lang ay papasukin ang mga negosyante sa Sta. Barbara at pinabayaan na ninyo kami!” “Mawawalan kami ng tahanan nang dahil sa mga negosyong ipinagmamalaki mo!” “Oo nga!  Nagtiwala pa naman kami sa iyo, Mayor.  Dahil nangako kang bibigyan mo kami ng mas magandang buhay!  Pero gaya ka rin pala ng ibang pulitikong dumaan na sa bayan ng Sta. Barbara.  Pagkatapos maluklok sa puwesto ay kinalimutan na kaming mga maliliit na tao!” “At ikaw ang pinakamalala!  Pagkakaitan mo kami ng mga tahanang ilang dekada na naming pinangangalagaan!” Nagkasabay-sabay na ng sigaw ang mga tao.  Subalit nagawa pa rin ni Rozen na marinig ang boses nito. “Nag-uumpisa pa lang naman tayo para sa kaunlaran ng Sta. Barbara.  Kaya hayaan muna ninyong matapos ko ang lahat ng ginagawa ko bago sana ninyo ako husgahan.  Nakikiusap ako.  Bigyan ninyo ako ng pagkakataong ipakita sa inyo na kaya kong tuparin ang ipinangako ko sa inyong magandang kinabukasan.” “Pero pinapaalis na kami rito ng mga tauhan mo!  Saan kami ngayon pupunta kung aalis kami rito?” “Oo nga!  Gusto mo lang kamkamin ang mga lupa namin na siyang tanging yaman na lang namin!” “Umalis ka na rito, Mayor, bago pa mawalan talaga kami ng respeto sa inyo!” Kitang-kita niyang kung paano nagsumikap na magpaliwanag si Rozen.  Ngunit hindi na ito pinakinggan pa ng mga tao.  Mabuti na lang at binakuran na ito ni Albert at iginiya pabalik sa sasakyan nila.  Mauuna na sana siyang papasok ng Land Cruiser nang makita niya kung gaano kaputik ang kanyagn sapatos. “Ano pa ang itinatanga mo riyan?” galit na tanong ni Rozen. “E…maputik ang sapatos ko.” “The hell with it.” Napilitan na rin siyang sumakay uli dahil hinawakan na siya nito sa braso at iminuwestra papasok ng sasakyan.  Ilang sandali pa ay iniwan na nila ang munting kaguluhang iyon.  Rozen gave out a deep breath as he leaned back against his seat. “Mayor, dadaan pa ho ba tayo sa munisipyo?” “Sa bahay na muna tayo, Albert.  Para makapagpahinga itong bisita ko.” “Bisita?” tanong niya. “Sige, alalay kung gusto mo.” “Excuse me?!  Hindi mo ako alalay, ‘no?” “Marunong kang magluto?” “Ha?” “Nagugutom ako.  Ipagluto mo ako mamaya pagdating sa bahay.” Napakunot na lang ang kanyang noo.  Daig pa niya ang sumakay sa rollercoaster dahil sa mga pagbabagong nakita niya rito sa loob lang ng ilang minuto.  Matapobre ang ipinakita nitong ugali bago sila umalis ng Stallion Riding Club.  Pero naging maalalahanin naman ito noong nasa chopper sila.  Pagkatapos ay nagsungit na naman ito.  Kanina sa harap ng mga taong iyon, parang ibang Rozen ang nakita niya.  Ngayon, nag-iba na naman ito.   Sino ba talaga ang totoong Rozen Aldeguer? “Gusto ko ng adobong atay ng manok,” wika nito ng nakapikit na. “Hindi ako marunong magluto.” “Wala ka ng pag-asang makapag-asawa.” “Dahil lang sa hindi ako marunong magluto?” “Pre-requisite na iyon bago ka mag-asawa.” “Mag-aasawa ako dahil sa mahal ko ang isang tao.  Hindi dahil sa pangarap kong maging katulong.” Ipinatong nito ang isang braso sa noo nito.  And somehow, she seemed to have seen him smile.  Pero hindi rin siya sigurado dahil agad ding naglaho iyon sa paningin niya. “Very well said,” wika nito.  “Pakigising na lang ako pagdating sa bahay.” Hindi na siya kumibo dahil nakita niyang tila pagod na pagod na ito.  Just how much time was he spending to rest?  Coz he really looked so tired.  Kinuha niya ang coat nito sa kanyang tabi at maingat iyong ipinatong sa katawan nito.  Napaurong siya nang makitang nagmulat ito ng mga mata.  Bigla na naman kasi niyang naramdaman ang kakaibang kaba na iyon sa kanyang dibdib nang magtama ang kanilang mga mata. “Isinosoli ko lang ang coat mo.” “Hmm.” Hindi na siya nagtangka pang lingunin uli ito dahil baka mahalata nitong uneasy siya sa presensya nito.  Baka kung ano pa ang isipin nito.  Still…she couldn’t help but sneaked a peek at him.  At gaya noong una niya itong makitang natutulog, nahumaling na naman siya sa payapang mukha nito.   When you’re sleeping like that, I always have this strange urge to be close to you. Pero hindi na siya lumapit dito at baka magising pa ito.  Mukhang kulang na kulang pa naman ang pahinga nito.  Inayos na lang niya ang coat na nakabalot dito. “I cant believe I’m saying this,” bulong niya.  “But I do hope you’ll have a good sleep, Rozen.” Uy!  Rozen, huh.  Hanep!  Close na sila.  First name na ang tawag niya rito.  wala ng ‘sir’.  Ipinagkibit lang niya iyon ng balikat.  Whatever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD