PAGDATING sa apartment ay dumiretso sila sa kusina. Inasikaso muna ni Iza ang pagkain ni Argius. Niyaya pa siya nitong kumain pero hindi na niya kaya, nabusog siya ng goto. Pinagpapawisan ito kaya itinodo niya sa number three ang electric fan. Maya-maya ay pumasok si Victor at hinatid ang maleta ni Argius. Kahit saan pala ito magpunta may baong damit. Ipinasok niya sa kuwarto ang maleta. May isa pang kuwarto roon pero maliit at maraming nakatambak na gamit, marumi rin. Wala na siyang oras para maglinis. Alas-unse na ng gabi. Inaantok na rin siya. Kumuha na lang siya ng extra bed na gagamitin niya. Folding air bed at binubombahan ng hangin. Maroon naman siyang manbomba roon na ginagamit sa balloon. Baka ika niya’y hindi sanay matulog si Agrius sa mababa, sigurado ‘yon. Pang-hotel suite a