PAGPASOK ni Iza sa opisina ay may mga bagong staff na sila sa accounting department. May lalaki na rin. Lumapit siya kay Karla. “Bakit nagdagdag ng staff?” pabulong niyang tanong dito. “Uhm, si CEO ang nagpadagdag, para raw gumaan ang trabaho natin,” nakangiting sabi nito. “Mas okay na rin iyon, ‘di ba? Bawal na rin daw ang overtime.” Napaisip siya. Iyon na kaya ang epekto ng pagkausap ni Argius sa CEO nila? Bakit ang bilis atang sumunod dito ng CEO? The company has its own rules that only the owner could change. Umupo na lamang siya sa kanyang workplace na nakabukod sa ibang empleyado. Lalong gumaan ang kanyang trabaho. Bago ipasa sa secretary lahat ng papeles ay dadaan muna sa kanya upang tingnan kung okay na or may problema. Siya rin ang dumadalo sa mga board meeting ng Orchedia bil