Chapter 24

2859 Words

ISANG beses lang natulog si Argius sa apartment ni Iza at hindi na ata uulit. Hindi kasi ito nakatulog nang maayos noon dahil wala siyang air-con. Kinukulit na naman siya nito na lumipat sa condo nito. Konting push pa siguro baka papayag din siya. Nakalimutan na rin niya ang argumento nila noong isang gabi tungkol sa effort nito na napapagastos ng malaking halaga para sa kanya. Ngunit sadyang ayaw paawat ni Argius. Ang gusto nito ang masusunod. Lunes ng umaga ay maaga siyang pumasok sa opisina katulad ng nakasanayan niya. Kahit alam niyang may inggit sa kanya ang ibang katrabaho ay hindi niya iyon iniisip. Pinapakisamahan pa rin niya ang mga ito katulad ng dati. Okay pa rin sa kanya si Garcilia. Pero lalo naman siyang napag-initan ng taga-ibang department lalo na ng mga may matataas na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD