MARAHAS na pumihit sa kaniyang likuran si Iza. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Hilda na nakatayo roon. Bahagyang humupa ang kanyang kaba. “Ate Hilda, ikaw pala,” pabulong na sabi niya rito. “Sssst…” si Hilda habang ang hintuturo ay nakalapat sa bibig nito. “Sumunod ka sa akin sa kuwarto ko,” anito. Sumunod naman siya rito. Umupo sila sa gilid ng kama na may isang dipa ang pagitan sa isa't isa. Napatingin siya sa pendant na suot nito. “Kailangan mo nang umalis dito, Iza, manganganib ka,” sabi nito, with a hint of suspense in her voice. Nawindang siya. “A-anong ibig n'yong sabihin?” naguguluhang tanong niya. “Maniwala ka sa akin, hindi normal na tao si Argius,” bunyag nito. She stood up and Hilda’s unbelievable revelation shocked her. “No! That's not true!” nanggagalaiting pr