KINABUKASAN… late nang nagising si Iza. Ang tagal kasi bago siya nakatulog dahil sa mga agam-agam niya. Pagkatapos maligo ay dumiretso siya sa hapagkainan. Nakasunod kaagad sa kanya si Argius. Nakasuot lang ito ng puting short pants na maluwag at puting polo. “Good morning, honey!” masiglang bati nito matapos siyang halikan sa bibig. Ngiti lang ang itinugon niya. Napakakasuwal ng pakikitungo nito sa kanya, parang walang problema. Umupo na ito sa katapat niyang silya. Hindi niya maintindihan bakit ang bilis niyang mairita. Hindi naman siya ganoon kahit pa may hindi siya nagustuhang ginaga ni Argius, maliban noong unang kilala niya rito. Hindi talaga niya ito tatantanan hanggat hindi pinapaliwanag kung bakit nito kinuha ang cellphone niya. Ang ayaw niya rito ay basta na lang ito nagdedesi