MAINIT ang ulo ni Argius at lahat ng tauhan ay pinapagalitan. Pinapanood lang ito ni Iza habang naroon siya sa lobby. Hindi naman niya maintindihan ang mga sinasabi nito dahil Latin. Ang bilis pang magsalita. Hindi tuloy niya alam kung ano ang nangyayari. Napatayo siya mula sa sofa nang pumasok si Argius. Namumula ito sa galit. Sinalubong niya ito at pilit pinakakalma. Ang aga-aga'y mainit ang ulo nito. Masaya pa itong gumising at sabay silang naligo. “What's wrong, honey?” tanong niya rito habang hinahagod ang dibdib nito. Panay ang buntong-hininga nito. “Nakatakas si Hilda,” sagot nito. Nagulat siya. So, hindi namatay si Hilda. Siya lang itong masama ang takbo ng utak. “Bakit? Saan mo ba siya dinala?” usisa niya, kunwari hindi pa siya aware. “Ipinadala ko siya sa mental institutio