ALA-UNA na silang lahat nananghalian saktong nakauwi ang papa ni Iza. Nagustuhan ni Argius ang chicken inasal at ang dami nitong nakain. Habang tumatagal ay nasasanay na rin ang sikmura ni Argius sa pagkaing pinoy. Napaparami na ang kain nito ng kanin. Wala silang ginawa maghapon kundi mag-food trip. Parang araw-araw piyesta sa kanila. Bago dumilim ay isinama niya si Argius sa puntod ng kanyang ina. Nagsindi sila ng kandila at nagdala ng bulaklak. Nakatayo lang sa likuran niya si Argius habang pinapanood siyang nagdadasal. May distansiya ito, tila takot lumapit. Nakatanaw lang mula sa malayo ang bodyguards nila. Nang matapos ang taimtim na dasal ay hinila niya si Argius palapit sa pundot. “Bakit ba parang takot kang lumapit? Magpakilala ka naman kay mama,” aniya. Matabang itong ngumiti