TITIG NA TITIG si Isa sa laman ng kahon nang buksan ito ni Argius. Naroon na sila sa salas at magkatabing nakaupo sa sofa. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin nang makita ang hugis pusong cassava cake. May garnish itong ginadgad na cheese na inayos at bumuo ng mga litra. Sa itaas ay malaking litrang ‘I’, kasunod ang heart shape at litrang ‘U’. Sa ibaba ay tatlong litra niyang palayaw. “I love you, Iza,” sabi pa ng binata. Cassava cake was a typical Filipino dessert, but Argius made it special. It’s more special than the branded and pricey cakes. It’s also been her favorite since she was a kid. Ni walang trade mark o kahit pangalan ng bakeshop or kompany. Nagningning ang kanyang mga mata habang nakatitig sa guwapong mukha ng kanyang kasintahan. His smile was the sweetest smile she h