DAHIL nakilala na ni Iza ang kanyang secret admirer, isinuot na niya ang kuwintas na ibinigay nito. As usual, nakatanggap na naman siya ng masarap na tanghalian. May note na iyon kalakip ng pangalan ni Argius. Iniimbita na naman siya ni Argius na mag-dinner. Bumuntong-hininga siya. Sana lang ay may saysay na ang dinner nila na iyon. Ayaw na niyang ma-stress. Sa pagkakataong iyon ay hindi na sapilitan ang ginawa ni Argius. Hinintay talaga siya nito sa lobby ng Orchedia. Nakasuot ito ng puting polo at black fitted faded jeans. Okay na sana kaso may suot pa itong sunglasses kahit dumidilim na. Nagmukha itong bulag. Malayo pa lang siya ay tumayo na ito at sinalubong siya. Aba! May improvement na! Nakangiti na ito kahit obvious na pilit. Parang tanga lang. “Hi!” bati nito sa malamyos na tinig