MATAPOS ang konsultasyon sa doktor ay dalawang araw na nakakulong lang sa mansiyon si Iza habang si Argius ay maghapong nasa trabaho. Marami raw business appointment ang binata. Gusto rin nitong pagpahingahin muna siya bago sila mamasyal sa ibang lugar. Binibisita lang siya ng doktor at therapist para mas mabilis siyang gagaling. Bumubuti na rin ang pakiramdam niya. Nakatulong ang damot na niresita ng doktor. Hindi pa siya maaring gumalaw nang mabilis at magbuhat ng mabigat. Ang tambayan niya as sa study room ni Argius at nagbabasa ng business-related books. Kailangan niyang mag-aral pa upang lumawak ang kanyang bokabularyo sa larangan ng business. Gusto niyang matulungan si Argius sa lahat ng negosyo nito. Sakaling maikasal na sila, obligado rin siya na makialam sa business nito. Napag-