Chapter 65

2076 Words

NAPAWI ang pagkabalisa ni Iza nang maisip na madalas din niyang nakita roon si Aleng Magda. Bago siya magpasyang lapitan ito ay naglalakad na ito patungo sa kanya. Panay ang linga nito sa paligid. Gusto rin talaga niya itong makausap. “Nanay Magda!” bulalas niya nang abot kamay na niya ito. “Pasensiya ka na kung hindi ako pormal na nagpaalam sa iyo. Hindi rin ako magtatagal dito,” anito, tila nagmamadali. “Ayos lang ho. Teka, bakit palagi po kayong narito?” pagkuwan ay usisa niya. “Kuwan, umuupa ako sa mumurahing paupahan doon sa bandang likuran ng apartment na ito,” anito. “Ah, kaya pala palagi ko kayong nakikita. Pero hindi ba maraming tambay roon sa tinitirahan n’yo?” “Oo, pero aalis na rin ako. Uuwi ako sa Laguna kasi may sakit ang kapatid ko.” “Pero sana hindi na po kayo nag-re

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD